Related Posts with Thumbnails

Tuesday, October 12, 2010

Maganda ka Kasi

Another mushy post from my childhood. I will write this in my own language because I wanted to remember this and to practice writing in my Tagalog/Taglish more likely...lol

Ka-chat ko ulit ngayon yung dati kung ka-eskwela, yung binangkit ko na nasa Hong Kong ngayon doon sa Young Life na post ko. Gusto ko ring itanong sa kanya kung galit sya sa akin, katulad ng ibang babae sa school namin noong nasa mababang paaralan pa kami. Maraming may galit sa akin noon, laging ako ang kanilang pinapansin. Sabi ko nga doon sa last post ko, lahat sila ako ang napupuna, galit man o hindi.

Nag-usap kami ng asawa ko tungkol dito at sinabi nya sa akin na kung sino man ang nag-kukulit sa akin, ay mayroong pagtingin kasi ganun din daw ang ginagawa nya sa mga nagugustuhan nya noong nasa mababang paaralan sya. Pero sabi ko, ano naman ang rason mo sa mga babaeng naninira sa akin. Kung ano-anu ang tawag sa akin, ni hindi ko na naririnig ang pangalan ko. Sabi nya baka daw tomboy, oy, ang dami nila ano, saka yung iba doon may mga asawa na rin.

Ngayon, sabi noong kaibigan ko, siguro daw baka maagawan ng mga lalake. Eh, sabi ko naman, wala nga akong alam sa mga lalakeng iyon kung may gusto sila o wala, kasi hindi naman sila nag-sasabi. Sabi ng asawa ko, halatang-halata naman eh kailangan pa bang sabihin yun. Oo nga naman, mautak ako noon, pero kapag dating sa mga ganyan gusto ko diretsahan talaga.

Saka sabi nya, baka daw mas maganda ako sa mga babaeng yun at ayaw magpatalo. Basura naman ang tingin ko sa kanila noon. Wala na nga akong pinapansin na lalake sa akin pa sila galit. Bakit hindi sila magalit sa mga lalake na ayaw sa kanila. Mag-hubo at hubad sila sa harapan nito, tiyak pansinin sila...he he he. Sinabi ko nga sa asawa ko na iisa lang lalake ang lumapit sa akin noon. Lagi pa nya akong sinsundan makausap lang nya ako na mag-isa, pero mas matanda ako sa kanya saka wala ring sinasabi. Ganun din ang sagot nya. "Hindi na kailangan yun" kasi alam nya na sya lang ang kumakausap syo na mag-isa. Tatanga-tanga pa kasi noon, saka ayaw kong pinag-uusapan ako ng buong baranggay. Tiyal magagalit ang nanay ko doon.

Sinabi din niya na maganda daw ako, kaya laging nakatingin ang marami sa akin. Siguro selos din sya noon. Tanungin ko nga sa sunod naming pag-uusap para malaman ko. Para naman maituwid ang mga balikot nilang utak. Ngayon naman iniisip ko, na kung hindi ako isnabera noon, na kung lahat ng mga umaaligid na hindi ko pinapansin at pinansin ko...ano kaya ang mga reaksyon nila? Lalo na sigurong nagalit ang mga yun at tawagin akong babaeng mababa ang lipad. Hindi ko na rin pinansin yung nag-iisang lalake na malakas ang loob na kausapin ako dahil sa mga ginagawa nila sa akin.

Ni hindi ko nalaman kung may gusto nga sa akin yun o wala. Hindi sya tulad ng iba na kukulitin ako hanggang ma-iyak ako. Basta sya, kakamustahin ako at mag-ku-kwento. May gusto rin yung kaibigan ko sa lalakeng ito, kasama na yun kaya hindi ko na pinag-tuunan ng pansin. Ayaw ko kasi mag-ayaw kami dahil lang sa lalake, pero sabi nya sa akin ngayon, hindi daw nanligaw sa kanya yun noong nasa high school kami pareho.

Isa na rin sa rason kung bakit umalis kaagad ako sa baranggay namin, pag-katapos ko ng high school. Ang mga tao doon, mainggitin na sasaktan ang loob mo dahil sa inggit. Isang buwan ako tumira sa bahay ng magulang ko hindi ko matiis tumigil doon. Na hanggang sumakit ang ulo ko at gusto kung matulog lagi. Pumayag naman ang nanay ko na mag-trabaho ako sa bayan ng Lucena. Nakalaya ako sa mga mata ng tao sa amin. Wala ng papansin sa akin at kung mag-karoon man ako ng napupusuan wala na silang paki-alam doon. Hindi nila ako mapapag-usapan.

Hanggang sumunod ako sa kapatid ko sa Zambales. Umuuwi lang ako minsan, saka hindi ako nag-tatagal na marami ang makaka-kita sa akin. Siguro mga tatlong araw lang ang tigil ko sa bahay ng mga magulang ko, tapos alis ulit ako. Nakapag-abay pa ako sa pinsan ko. Yung isa nyang pinsan hindi daw makakarating, parang pangalawa lang ako. Pero noong sinabi ko na makakarating ako, bigla na lang nag-sabi na makaka-uwi daw sya. Bale, pinsan ko rin iyon at isa sya sa mga babaeng may galit sa akin.

Sa buong dalawang araw na nandoon kami sa kasalan, hindi man lang ako kina-usap ng mga iyon. Ang lagi kung ka-usap ay iyong pinsan namin na ika-kasal at mga lalakeng pinsan din namin. Bakit may mga mainggiting mga tao na nagagalit pa sa iyo? Nag-papasalamat ako sa kataas-taasan na binigyan nya ako ng mga ipag-mamalaki sa mga taong katulad nila. Nag-papasalamat din ako sa nanay ko at binayagan niya akong umalis sa lugar na iyon.

Itinutoring ko pa rin na taga-doon ako. Pero ang mga tao doon ngayon, wala ng malilinis na mukha. Palitan ng asawa, iwanan, iyong mga katulad ko na gustong mas maganda ang kinabukasan ang nag-alisan at bumibisita na lang minsan. Sabi ko nga sa kaibigan ko, parang palabas sa telebisyon ang mga buhay ng mga tao doon ngayon. Masyado siguro silang nanonood ng TV.

0 comments:

Life of Ours Author


Mrs. Cheers, Keystone USA

"I'm a Research Associate in the field of Child Development and Human Relations. I have a continuing program of research (What mother doesn't?) in the laboratory and in the field (normally I would have said indoors and out). I'm working for my Masters, (the whole darned family) and already have five credits (four sons & one daughter, 1 joined the working community, 4 were educated @ home ). Of course, the job is one of the most demanding in the humanities (any mother care to disagree?), and I often work 14 hours a day (24 is more like it). But the job is more challenging than most run-of-the-mill careers, and the rewards are more of a satisfaction than just money."


©2008-2023 recheers.blogspot.com.™ Contact: nedekcir@gmail.com